Tiwala lang 💪🏼

Sa mga nangyayari sa buhay natin, madaling tanggapin ang mga bagay na nakakapagpasaya sa atin lalo na kapag sumasangayon sa mga gusto natin. Pero kapag ang mga nangyayari ay salungat na, hirap na hirap tayo. Ramdam ba ramdam natin ang bigat ng kalooban natin, para bang pasan pasan na talaga ang mundo. 

Gayunpaman, wala naman tayong magagawa na lalo pa kung ibinigay na natin ang lahat ng makakaya natin para maging maayos kung ano man ang pinagdaraanan natin. 

Kaya sa bandang huli, ang tangi lang natin magagawa ay tanggapin kung ano ang meron tayo.

 Alam ko mahirap. Masakit. Kailangan din talaga natin maramdaman yun para may mababalikan tayo kapag gagawa tayo ng desisyon malaki man o maliit.

 May maitutulong din naman itong hindi magandang pangyayari sa buhay natin. May mapupulot din tayo na aral. Kailangan natin isipin na walang magagawa ang pananatili natin sa isang pangyayari lalo na kung inuubos lang nito ang oras natin imbis na nagiging produktibo tayo. Kailangan lang natin na ituon ang isipan natin sa ibang bagay na makakapagpaiwas sa pagiisip natin sa masakit na pangyayari. 

Nararapat lang din natin na bigyan ang sarili ng tiwala na makakayanan natin itong lagpasan. Hindi tayo dapat mawalan ng pagasa dahil tanging sarili lang natin ang makakabuhat sa atin upang makalakad muli. 

At ang pinakamahalaga ay ang pananalig sa Diyos na magbibigay ng kaligayahan at kapayapaan sa ating puso. Tiwala. Pagasa. Pananalig. Alam ko na kaya natin to. Alam ko na matatapos din to. 

Alam ko na babalik din ang ngiting walang kasing tamis. Wag natin hayaang madumihan ang busilak na puso. Wag natin hayaan na lumisan ang ating kabutihan. Piliin natin maging masaya. Piliin natin na mahalin kung ano man ang mayroon tayo. 

Matamis na ngiti at busilak na pagmamahal,

hp101191

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s