Tula #1: Wag Kang Mag-alala

 

Ipagluluto kita ng agahan

Gigisingin kita sa umaga

ng halik sa pisngi at

malambing na hagod sa likuran


 

Pakikinggan ko ang bawat kanta

na iyong isusulat at tutugtugin

Babasahin ko ang iyong tula

sulatin at mga hinaing


 

Sa bawat pag indak

Asahan mong ako'y laging nanunuod

Sa bawat katahimikan

Ako ay nasa iyong tabi lamang



Ilang ulit ka mang lumuha 

Pupunasan ko hanggang sa mawala

Sa tuwing ikaw ay mapapagod

Yayakapin kita hanggang sa ika'y makatulog



Tutulungan kita na abutin

Ang bawat pangarap at naisin

Hindi kita iiwanan

Kahit ano man ang pagdaanan



Sa bawat makakamtan na tagumpay

Ako'y nasa iyong likod, ika'y ipinagmamalaki

Sa iyong pagkabigo

Ika'y tatabihan, tutulungan umahon


 
 Sa bawat masamang panaginip

Sasamahan kita sa iyong pagkabalisa

Buhok mo ay hahaplusin hanggang sa

Takot ay maglaho at ika'y kumalma



Sa pagsapit ng gabi, wag mo kalimutan

Na ikaw ay mayroong uuwian

Yayakap ng mahigpit, 'di ka bibitawan

Hanggang sa muli mong pakikipagsapalaran


 
 hp101191

07:15 | 07.11.2016

AMK, SG


 


 

 

Advertisements

3 thoughts on “Tula #1: Wag Kang Mag-alala

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s