Tula #2: Para sa mga taong makikilala ko..

Hawakan mo ang aking kamay

Siguraduhin mo

Na ikaw ay di bibitaw


Gabayan mo ako

Sa mga lugar

Na hindi ko napagtanto


Iparinig mo sa akin

Ang mga himig

Na hindi ko napapansin


Ipakita mo ang

Mga tanawin

Na sa akin ay gigising


Iparanas mo sa akin

Ang mga gawain

Na hindi ko inakalang babagtasin


Ipakilala mo ako

Sa mga taong

May aral na mapupulot


Ipatikim mo sa akin

Ang kabutihan

Ng bawat pagkakataon


Hipan mo ang baga

Gamit ang karanasan

Na sa aki'y hahamon


At sa bawat katapusan,


Samahan mo uli akong umpisahan

Ang bawat kaalaman

Na di sumagi sa aking isipan


Hp101191
  22:51 | 21.10.16

AMK, SG

 

Advertisements

3 thoughts on “Tula #2: Para sa mga taong makikilala ko..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s