Tula #4: Darating din.

Matatagpuan mo din ang magmamahal sayo
Yung tunay at higit pa sa inaakala mo
Yung hindi mo na makukuhang tumingin sa iba
Dahil alam mong sya ay sapat na.

Tatanggapin ka nya nang buong buo
Hindi nya hihilingin na baguhin pagkatao mo
Mamahalin nya ang 'ikaw'
Pagmamahal lang ang mangingibabaw

Iintindihin nya ang iyong pananahimik
Sasabayan ka sa iyong mga gimik
Hahawakan nya ang iyong kamay
Sa iyong likod nakahawak, gumagabay

Gagawin ka nyang tula
Mas mainam pa ay kung kanta
Ikaw ang dahilan ng kanyang pagsusulat
Kung bakit naging matapang sya na harapin lahat

Ipagmamalaki ka nya sa mga kaibigan
Ipakikilala sa miyemrbro ng buong angkan
Dadalhin sa mga lugar na kinalakihan
Makikinig sa bawat kwento at salitang bibitawan

Ikaw ay kanyang aalagaan
Lalo na pag may sakit, tabi mo ay di iiwanan 
Ipagluluto ka ng iyong mga paborito
Mapapangiti na lang sa bawat subo

Kasama ka sa kanyang plano
Maliit man o malaki ang mga ito
Ikaw ay magiging parte ng kanyang kinabukasan
Magkasama nyo itong gagawing nakaraan

Pero sa ngayon, ikaw muna ang isipin mo
Gawin mo lahat ng iyong mga gusto
Puntahan mo ang mga lugar na gusto mo
Wag mong hayaang pigilan ka ng kahit sino

Para sa pagdating nya, 
Hindi mo na kailangan hanapin ang sarili mo
Handa ka na ibahagi kung ano ang mayroon ka
At mahalin din sya sa pagdating nya.


hp101191
19:50 | 25.11.2016
AMK, SG
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s