Tula #5: Gusto Ko Maranasan

Ano nga ba ang pakiramdam ng minamahal at nagmamahal
 Nang walang kinatatakutan at pagaalinlangan
 Nang hindi iniisip ang sasabihin ng iba
 Dahil ito ang nagpapasaya

Gusto ko sanang maranasan
 Mahawakan ang kamay habang naglalakad
 Mayakap habang nakaupo sa mahabang upuan
 Maipakilala sa tao bilang kasintahan

Gusto ko sanang maranansan
 Makita ng lahat ang ating larawan
 Maipagmalaki na tayo ay nagmamahalan
 Masuportahan ang isa't isa sa bawat pinagdaraanan

Gusto ko sanang maranasan
 Iparinig ang awitin na iyong nilikha para sa akin
 Ipabasa ang tula na ating isinulat para sa isa't isa
 Ipaalam sa buong mundo na tayo ang tinutukoy sa bawat nilikha

Gusto kong maranasan
 Ang pagtalon ng puso sa sobrang saya
 Ang pagkalungkot dahil nasaktan ng di sinasadya
 Nang hindi nagpipigil dahil makikita ng iba

Gusto kong maranasan
 Na may matakbuhan kapag nagkasakitan
 Na lumuha ng may humahagod sa likuran
 Dahil alam nilang ikaw at ako ay nagkatampuhan

Gusto kong maranasan
 Magplano para sa hinaharap na ikaw ang kasama
 Maging bahagi ng tagumpay ng isa't isa
 Maramdaman ang kasiguraduhan na ikaw lang at ako at wala ng iba

Gusto kong maranasan
 Maglakbay na magkasama
 Sabay na maranasan at makita ang kultura ng iba
 Matuto sa bawat karanasan na pinagsaluhan

Gusto kong maranasan
 Kung paano gumalaw sa iyong mundo
 Kung paano ka gagalaw sa aking mundo
 Kung paano natin yayakapin ang pagkakatulad at ating pagkakaiba

Gusto kong maranasan
 Ang relasyon na hindi itinatago
 Ang pagibig na masaya at totoo
 Ang ikaw at ako na walang ikinakatakot

Gusto kong maranasan
 Pero nakakatakot na baka ako lang ay masaktan
 Pero ayoko dahil sa karanasan sa nakaraan
 Pero di bale na lang, dahil lahat ay may katapusan.

hp101191
 22:19 | 27.12.2016
 AMK, SG
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s