Tula #6: Nakakatakot

Nakakatakot magmahal ulit
Lalo na kapag naranasan mo ang naranasan ko
Hindi ko alam kung paano uumpisahan
Pinipilit kong maging okay pero hindi talaga

Nakakatakot magtiwala ulit
Dahil hindi mo alam kung kailan ka lolokohin
Kung nagsasabi ba ng totoo
Kung ang pinapakita ba ay bukal sa puso

Nakakatakot mapalapit sa isang tao ulit
Dahil baka madismaya lang
Walang kasiguraduhan kung pangmatagalan
O pampalipas oras lang ang pagibig na pagsasaluhan

Nakakatakot talaga
Pero alam ko naman na masarap magmahal
Masarap sa pakiramdam ang minamahal at nagmamahal
Masarap kapag importante ka sa isang nilalang

Masaya kapag alam mong may isang tao na mahal ka
Kapag alam mong may matatakbuhan ka
May kasama ka sa hirap at ginhawa
Sa bawat kasiyahan at kalungkutan

Kaya lang mas nangingibabaw pa rin
Ang takot na hindi ko malabanan
Ang ideya na ako lang ay masasaktan
Kaya di bale na lang siguro,

Mas mabuti na magisa na lang ako.

hp101191
23:01 | 27.12.2016
AMK, SG
Advertisements

2 thoughts on “Tula #6: Nakakatakot

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s