Tula #7: Na Ikinukubli ng mga Salita

Saan nga ba hahantong
 Ang bawat matatamis na pakikitungo
 Na ipinaparamdam sa isa't isa
 Na ikinukubli ng mga salita

Gusto na bang kumawala 
 O gusto pang mahimlay muna?
 Gusto na bang tapusin
 O gustong ipagpatuloy pa?

Mahirap kumilos kapag hindi nagkakaunawaan
 Mahirap magpakawala ng salita na gustong gustong sambitin
 Mahirap ibuhos ang lahat 
 Kung hindi alam ang tunay na nararamdaman

Ano na nga ba ang sunod na mangyayari?
 Mananatili sa tabi ng isa't isa
 O lalayo para tuluyan magkalimutan na?
 Ano nga ba?

Mahirap pagdesisyunan ang bagay na tanging hinihiling
 Mahirap mamili kung magmamahal ng tahimik
 O ipaglalaban ang pagibig.
 Mahirap panindigan kung sya ba o ang sarili na lang
 Tuluyan na bang bibitaw o kakapit pa kahit nahihirapan na?

Tuluyan na bang tatalikuran ang isa't isa 
 o haharapin ang kahit ano basta magkasama?
 Tuluyan na bang mawawala o susubukan na buuin pa?

Paano na? Ano na nga ba?
 Saan na ba mapupunta
 Ang bawat matatmis na pakikitungo
 Na inaalay sa isa't isa

Na ikinukubli ng mga salita. 

hp101191
 13:04 | 28.12.2016
 AMK, SG

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s