Tula #8: Kung Sino Ka Man

Mukhang eto na ang sagot sa tanong
Kung ano na nga ba,
Kung paano na nga ba
At kung hanggang san na lang talaga

Heto na ang pinakahihintay mo
Ang ilapag ko ang pag-asang hawak ko
Ang hubarin ang nakasanayang nakaraan
At imulat ang mga mata sa kasalukuyan

Heto na ang pinakahihintay mo
Ang pakawalan ko ang nararamdaman ko 
Ang itigil ang kung ano pang aking ipinagpapatuloy
(Na ako na lang ang nagtutuloy) 
Na matagal na dapat tapos

Heto na ang pinakahihintay mo
Ang paghinto ng iyong mundo sa aking mundo
Ang paglalaho ng bahaghari sa aking puso
Na pinakaiingat-ingatan ko

Heto na ang pinakahihintay mo
Ang pagbubura ko sa katauhan mo sa bawat tula
Ang pagtanggal ko sa pangalan mo
Mula sa listahan ng mga taong minamahal ko

Heto na ang pinakahihintay mo
Ang pagtatapos ng pagaalay ko sayo ng musika
Ang pagtigil ng aking pagsisilbi
Para maiparamdam kung gaano ka kaimportante

Heto na ang pinakahihintay mo
Ang aking pagyuko na nagsasabing 'nabigo ako'
Ang aking pagtalikod mula sayo
At ang pagsuko ko sa kung ano man ang meron tayo

Heto na, wag ka na mangamba
Tapos na--hindi, tatapusin ko na
Pipilitin ko na kalimutan kung naging sino ka
At kung paano ka naging 'ikaw' sa buhay ko

Heto na, bibitawan na kita
Heto na, ako ay tatalikod na
Heto na, ipipikit ko na ang aking mga mata
Heto na, lalakad na ako palayo

Heto na. 
Paalam. 
Kung sino ka man.

hp101191
23:50 | 30.12.2016
AMK, SG
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s