Tula #10: Natatandaan mo pa ba?

'Natatandaan mo pa ba?'
Madalas kong tanong sayo
Pilit kong ipinapaalala ang nakaraan
Subalit puro 'ewan ko' ang tangi mong alam

Kaya't sige, ika'y pagbibigyan
Na makalimutan ang lahat
Bawat pinagdaanan
Nung tayo'y magkasama pa

Kalimutan mo na
Ang bawat dahilan kung bakit mo ako minahal
Ang bawat salitang iyong binitawan
Ang bawat pangakong inilaan

Kalimutan mo na
Ang bawat yakap sa bawat emosyon na naramdaman
Ang bawat halik na nagparamdam ng kapayapaan
Ang bawat paghawak mo sa aking mga kamay

Kalimutan mo na
Kung paano mo ako pinaniwala sa pagibig
Kung paano mo ako nakumbinsi na magmahal muli
Kung paano mo ako sinuyo sa bawat salita at kanta

Kalimutan mo na
Kung paano mo sinugurado na akoy iingatan
Kung paano mo ipinaramdam na ako lamang
Kung paano mo sinabi na tayoy panghabang buhay na

Kalimutan mo na
Ang mga pangarap na binuo para sa atin
Ang mga kantang inialay mo sa akin
Ang mga ginawa mo para akoy pasayahin

Kalimutan mo na
Ang mga sikretong pinakatago tago ko
Ang mga hindi magagandang nagawa ko
Ang mga bagay na bumubuo sa aking pagkatao

Kalimutan mo na
Ang mga ngiting idinulot mo
Ang mga luhang pinunasan mo sa mata ko
Ang mga naramdaman mo tuwing magkasama tayo

Kalimutan mo na
Dahil wala nang saysay pa
Dahil hindi na mahalaga
Dahil ikaw ay wala na

Kalimutan mo na
At huwag mong hahayaan na bumalik pa
Ang mga alaalang pilit mong pinaglalaho
Hanggang sa wala nang matira pa

Kalimutan mo na dahil..


Ayoko na rin maalala.

hp101191
20:07 | 20.01.17
AMK, SG
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s