Tula #11: Habang May Natitira Pa.

Tahimik natin lisanin
Ang pagibig na kinikimkim
Hayaan nang paliparin
Sa malayong tanawin

Pagod na ang mga pakpak sa pagpiglas
Sa pagibig na tila ay bakal na rehas
Kaya't dalhin na natin sa pahinang pangwakas
Isarado ang libro tapos na ang pinagsaluhang pagbigkas

Pinuno man natin ng matamis na alaala
At kahit mayroon din masasakit sa bawat pahina
Hindi na natin maikakaila
Na nasa huling hakbang na tayo ng ating nadarama

Bawat bakas ng karanasan ay binubura ng agos
Mababaon na sa kailaliman ng dagat na hindi natatapos
Buksan man ng ipu-ipo ang karagatan, hangin pa rin ay kapos
Dahil kahit anong ihip ang gawin hindi na lulutang ang pagibig na abot kaluluwa ang tagos

Yakapin man ng malamig na simoy ng hangin
Dumampi man sa pisngi ang malumanay na pagtingin
Malakas na bagyo ay dumarating pa rin
Kidlat at kulog ay hindi maikukubli ng damdamin

Kaya't sa pagtila ng ating kapusukan
Magpaalam na rin tayo sa kinagisnan
Dahil may mga bagay na akala natin ay okay lang
Walang kaalam alam na tayo pala ay nagkakasakitan

May mga nagagawang hindi intensyunal
Walang malay na sa mukha pala ay sumasampal
Mga tahimik na luhang nagdarasal
Matapos na ang paghihirap na sumasakal

Parang isang singsing sa leeg
Nakakapatid ng hininga, konting maling titig
Paniguradong manlulumo sa pakikitungong malamig
Kaya't tapusin na lang nang di pagkakaintindihan ay hindi na lumawig.

Dahan dahan nating talikuran
Ang pagibig na pinakaiingatan 
Isa isang tuparin Ang kahilingan
Ng pusong pagod na masaktan

hp101191 | 23:11 | 03/03/2017 | AMK, SG
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s