Tula #12: Tanghaling Tapat

Sa ilalim ng araw ako ay nakamasid
Sa bawat taong dumadaan sa aking panigin
Guso ko sana malaman kung ano ang tumatakbo sa kanilang isip
Hindi siguro mailista sa dami ng kailangan nilang gawin

Ako naman ay naririto, nakaupo, may tanong na iniisip
“Nagtitiwala ka pa ba?” Hindi alam kung tama ba na akin pang tanungin
Marahil ako lamang ang nakakapansin
Na tanging tanghali na lamang ang tapat sa mata ng nakatingin

Pero yung totoo..

Marunong ka pa bang magtiwala?
Kahit na paulit-ulit ka lang na pinapaniwala
Sa mga bagay na akala mo ay totoo na sinabi nila
Yun pala ay iiwanan ka lang sa kawalan na nag-iisa

Sa dinami-rami ng iyong napagdaanan
Kaya mo pa bang subukan
Na ibahagi ang iyong sariling kapakanan
Para lang sa pangakong kanilang bibitawan

Hindi naman maikakaila ng kahit na sino
Na ang pananaw mo sa buhay ay napakapositibo
Subalit tadhana ay sinubok ang iyong pagkatao
Kung mananatili ka pa rin ba sa iyong matikas na pagtayo

Sa mga taong iyong nakilala
Hindi mo ipinagdaramot ang tiwala
Dahil kabutihan lang ang iyong kinikilala
Taglay nila ang kagandahang loob, iyan ang iyong paniniwala

Hindi ka nagdalawang isip na pakinggan
Bawat kwento o hinaing na kanilang pinagdaraanan
Tulungan sila sa abot ng iyong makakaya ang iyong sinubukan
Hindi pinalipas ang pagkakataon na salita nila’y panghawakan
 
Subalit unti-unting nauubos nang hindi mo napapansin
Ang tiwala na ibinibigay mo sa kahit sinong dumating
Hindi dahil nawalan ka na ng pagasa dahil sa sinapit
Kundi dahil sa mga taong kilala ka lang kapag alam nila na ang kanilang kailangan ay maihahatid

Ngayon ikaw na ay nagdadalawang isip
Kung sila ba ay may malinis na hangarin
Nahihirapan ka na ang sarili ay paniwalain
Kung sila ay totoo at at hindi sasaktan ang iyong damdamin

Naging makulimlim ang iyong paningin
Na dati ay kasing liwanag ng araw na bituin
Mga mata ay ipinipikit habang bawat salita’y naririnig
Kinakapa kung sila ba ay susundin

Binibigyan sila ng pagasang mapatunayan
Na sila ay karapat-dapat na pagkatiwalaan
Ngunit madalas ang kanilang dala ay kabiguan
Kaya’t ikaw ay tumatalikod na lamang

Sinusubukan mong hugasan ang mga mata nang sa gayon ay bumalik
Kinagisnan mong pananaw sa bawat taong dumidikit
Pero sadyang hindi na maikaila ang pagbabago ng iyong isip
Pilitin man pero ganoon pa rin, hindi na yata babalik ang dating pagtingin

Marahil hindi mo na maitatanggi pa
Na hindi na muling maibabalik ang iyong paniniwala
Na sa tao ay maari ka pa magtiwala
Kaya’t sa araw mo na lang ibabaling ang natitira

dahil sigurado sa kanya ay hindi ito masisira.

Hp101191 | 14:58 | 09/03/2017 } AMK, SG
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s