Tula #13: Sandali Lang, Mabilis Lang

Malamig na simoy ng hangin
Sa aking balat ay humahalik
Mga mata ko ay napapikit
Sa ginhawa nitong hatid

Buhok ko ay tinatangay
Patungo sa dakong silangan
Kasabay nito sa paglisan
Ang pagod na aking nararamdaman

Hayaan muna natin na ako ay manatili
Sa ganitong estado ng pakiramdam sandali
Bago ako makipagsapalaran sa mundo muli
Sandali lang, mabilis lang, kahit konti

Ang paglutang ng aking isipan
Sa pagihip ng kapayapaan
Ay walang katumbas sa kahit anong pakiramdam
Kahit ilang minuto lang, may ginhawa akong naranasan

Kung maaari lang sana na hindi na ako umalis
Pipiliin ko na lumipad sa himpapawid
Tingnan ang lahat na maliliit
Nang hindi ako makaramdam ng panghihinayang ni-katiting

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan
Dahil lumisan na ang hangin na humaplos sa aking katauhan
Nakabalik na ulit ako sa katotohanan
Na kailangan kong kumayod ng husto para ang kaginhawaan ay maging pangmatagalan.

hp101191 | 18:22 | 09/03/2017 | AMK,SG
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s