Tula #13: Wala Nga Palang Tayo

Wala nga palang tayo
Bakit pa ba ako umaasa sayo?
Bakit pa nga ba ako tumatabi sa pagtulog mo?
Bakit pa nga ba inuuna pa kita sa listahan ko?

Wala nga palang tayo
Bakit pa ba ako naghihintay sa paguwi mo?
Bakit pa ba ako sumsabay sa pagpasok mo sa trabaho lahit iba ang direksyon ng pupuntahan ko?
Bakit pa ba ako naghihintay na susulyapan mo habang umaandar ang bus na sinasakyan mo?

Wala nga palang tayo
Bakit hinahaplos ko pa ang buhok mo para makatulog ka lang?
Bakit nagmamadali ako sumagot sa tanong mo kahit marami naman pwedeng magbigay ng sagot sayo?
Bakit hinihintay ko pa na tanungin mo kung ano ang aking tanghalian?

Wala nga palang tayo
Bakit ngumingiti pa rin ako kapag nakikita kita?
Bakit sumisikip ang dibdib ko pag may kasama kang iba?
Bakit hindi ako makatulog pag alam kong galit ka?

Wala nga palang tayo
Bakit nandito pa rin ako sa tabi mo?
Bakit inaasikaso pa rin kita lalo na pag may masakit sayo?
Bakit ikaw pa rin ang dahilan ng pagaaral ko sa pagluluto?

Wala nga palang tayo
Bakit hindi kita maiwanan?
Bakit kapag binabalewala mo ay patuloy pa rin nasasaktan?
Bakit nagpapansin pa rin ako kahit ako'y sinusungitan?

Wala nga palang tayo
Bakit gusto pa rin kitang kasabay kumain?
Bakit gusto ko pa rin na balat natin ay magdidikit?
Bakit gusto ko pa rin na boses mo ay marinig?

Wala nga palang tayo
bakit ganito pa rin ang nararamdaman ko para sayo?
Bakit hindi ka pa rin mawala sa isip ko?
Bakit hindi ko maitanggi na ikaw pa rin ang nasa puso?

Wala nga palang tayo
Bakit hindi ko masagot ang mga tanong ko?
O alam ko na ang sagot, sadyang binabalewala ko lang ito?
Paninindigan ko na lang ba na wala na talagang tayo o dadagdagan ko na lang ang mga tanong ko?

hp101191 | 10:08 | 11/03/2017 | AMK, SG
Advertisements

2 thoughts on “Tula #13: Wala Nga Palang Tayo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s