Tula #14: Maniwala ka.

Tatawarin ang dagat
Susuyurin ang kalupaan
Liliparin ang himpapawid
Ako ay makapiling lang

Ipagtatanggol sa mga kaaway
Poprotektahan sa mga nananakit
Hindi dahilan ng pagtangis
Ako ay iingatan

Hahatiran ng pagkain kahit hatinggabi
Tatabi sa pagtulog para mas mahimbing
Kakausapin hanggang sa antukin
Ako ay pakikinggan

Papayungan umulan man o umaraw
Sasamahan kahit saan ang puntahan
Hindi mapapagod kahit anong pagdaanan
Ako ay kasama sa pakikipagsapalaran

Hahawakan ang kamay
Yayakapin ng mahigpit 
Sa noo ay hahalik
Ako ang dahilan ng paglalambing

Maghihintay sa paguwi
Tatawagan kahit saglit
Papasalubungan ng hilig
Ako ay pinapangiti

Pinupunasan ang luha
Pinapakalma ng salita
Damdamin ay pinapaginhawa
Ako ay hindi hahayaang magisa

Bubusugin ng mabulaklak na salita
Ipararamdam na ako na talaga
Sisiguraduhin na wala ng iba
Ako ang pinakamamahal

Nagpapahiwatig ng pagibig
Maliliit na bagay na ipinaparanas
Hindi matatapatan ng kahit na sino man
Anim na bilyon man ang tao sa mundong ibabaw

-Ang mga bagay na hindi mo gagawin para sa akin.

Hp101191 | 18:10 | 07.04.2017 | AMK, SG
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s