Tula #17: Swerte o Malas

Paulit-ulit kong naririnig 
Sa mga taong bago sa aking paningin
'Maswerte ang mapapangasawa mo' ang sambit
Nila, na bilang sa daliri ang nalalaman sa akin

Hindi ko alam kung totoo
Dahil para bang isa itong malaking biro
Nakakatawa kapag iniisip ko
Dahil halos isuka na ako ng tao na sa isip ko'y tumatakbo

Ano ba ang kinonsidera nila para ito'y sabihin
Wala naman silang basehan na sa akin talaga ay suswertihin
Ilang ulit man nilang bigyan ng diin
Wala naman talagang suswertihin sa akin

Maswerte ba o malas? Ano nga kaya?
Gusto ko tanggapin pero baka mali ang aking akala
Marahil ang paghusga nila ay hindi rin tama
Imposible talaga dahil ikaw mismo ay hindi ito nakikita

Kung maswerte ka, hindi ba dapat ay masaya ka?
Pero bakit puro sakit lang ang aking nadadala?
Kung maswerte ka, hindi ba dapat ikaw ay kuntento ka na?
Pero bakit hindi ka pa rin tapos humanap ng iba?

Kung maswerte ka, hindi ba dapat payapa ang iyong damdamin?
Pero bakit halos lahat ng ating pagtatagpo, ikaw ay may ikanagagalit?
Kung maswerte ka, hindi ba dapat maayos mo akong tratuhin?
Pero bakit sobra yata kung ako ay iyong alilain?

Maswerte ba o malas? Ano ba talaga?
Saan ba ako maniniwala?
Ako ba talaga ay isang problema?
O hindi mo lang nakikita ang aking halaga?

hp101191 | 20:14 | 26.06.2017 | Sembs, SG


 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s