Hindi ko naiintindihan.

Nitong mga nakaraang araw, ibinubuhos ko ang oras ko sa trabaho, pagbabasa, pagaaral ng gitara, at panunuod ng mga palabas. Pakiramdam ko napakapayapa ng paligid ko kahit ang daming sumusulpot na problema. Ang daming isyu – sa pamilya, trabaho, kaibigan, at sarili – na hinarap ko ng kalmado. Nakatatak sa isip ko na magtatrabaho ako sa araw at bibigyan ng pansin ang pansariling paglago sa gabi.

 

Hindi ko binibigyan ng pansin gaano ang pagluluto dahil hindi ko nararamdaman na gusto ko magluto. Gusto ko lang gawin yung mga bagay na tahimik. Kapag may kumakausap naman sa akin, sumasagot naman ako at nakikipagkwentuhan pa, pero hindi ko maikakaila na gusto ko na agad gawin yung mga bagay na gusto kaya’t ikinukwento ko na lahat ng pwede ko maikwento. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon.

 

Kalmado ako kahit sobrang dami ng kailangan kong gawin at daming dumarating na pagsubok. May nararamdaman akong kilig o pagmamahal o kung ano man ang tawag doon kahit wala naman akong boyfriend. Dahan dahan ko lang na nilulunok lahat ng nangyayari. Nararamdaman ko na masaya ako kahit hindi ako tumatawa ng malakas, kahit magisa lang ako. Hindi ko naiintindihan pero okay ako ngayon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s